What is NAVpu?

NAVpU (Net Asset Value per Unit):

For the benefit of our newbies, and kasama na rin ang matatagal na rito sa UITF group na until now ay nako-confuse (nalilito) pa rin sa kung anong NAVpU ang makukuha sa tuwing sila ay nagsa-subscribe (invest, reinvest, o mag-add), or mag-redeem (pull-out, withdraw).

Kung mag-subscribe o mag-redeem tayo today, Thursday, December 28, 2017 BEFORE the cut-off time, ang NAVpU na makukuha natin ay yun for today din, Thursday, December 28, 2017, na MAMAYANG GABI PA MALALAMAN, 7:30pm onwards na mapo-post sa website ng banks.

Kung nag-subscribe o nag-redeem tayo today, Thursday, December 28, 2017 AFTER the cut-off time, ang NAVpU na makukuha natin ay yun magiging NAVpU tomorrow, Friday, December 29, 2017.

Kung mag-subscribe or mag-redeem naman kung kailan gabi na, at kung kailan tapos na ang regular banking hours on a regular banking day, at kung kailan tapos na ang cut-off time, ang makukuhang NAVpU ay yun magiging NAVpU kinabukasan (regular banking day).

Kung sakaling natapat na holiday, weekend (Saturday, and Sunday), or walang trading kinabukasan, ang NAVpU na makukuha natin ay yun sa susunod na regular banking day.

Kaya sa tuwing nagsa-subscribe or redeem tayo ay HINDI PA NATIN ALAM kung anong NAVpU ang nakuha natin dahil sa gabi pa malalaman pagkatapos ng regular banking hours, banking day. Yun nakikita natin NAVpU during day time ay tapos na yun, para yun sa nakaraang araw pa, kaya HINDI IYON ANG MAGAGAMIT O ANG MAKUKUHA MO KASI GAMIT NA YUN NG NAKARAANG ARAW (REGULAR BANKING DAY), KAYA HINDI DOON MAGBABASE ANG NAKUHA O MAKUKUHA MONG NAVpU. (Paulit-ulit at paikot-ikot na ang explanation ko ha. Kung hindi mo pa rin maintindihan, i-pag pray mo kay Lord na maunawaan mo.)

Again, kapag na-post o nailabas na ang NAVpU sa website ng banks, it means tapos na yun, nagamit na at hindi na yun ang magiging basehan sa pag-subscribe or sa pag-redeem mo at HINDI YUN ANG MAKUKUHA MONG PRICE NG NAVpU kung maisipan mong mag-subscribe o mag-redeem matapos mong makita ang NAVpU price na naka-post na.

Source: https://www.facebook.com/groups/UITF.Philippines

Leave a comment